"NBSB"

7.4K 34 5
                                    

"NBSB"

"Single po ako."

Liar. Bakit mo sinabing single ka eh may boyfriend ka naman talaga. Well, hindi nga lang official pero kayo naman talaga. Gosh! Julie Anne. Lord, sorry po ah? Hindi ko naman po gusto na magsinungaling ako. Kailangan ko lang po talaga kasi alam niyo naman po yung estado namin diba po?

"Julie, halika na may pupuntahan pa tayo diba?" Si Papa.

Tumango naman ako. Sinunod ko si Papa at pumasok na sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang naman kasi may event pero yung tungkol dun hindi ko alam.

"Pa? Ano po bang klaseng event yun? Kakanta po ba ko?"

Tumango naman si Papa. "Oo naman anak. Kakanta ka dun. Ano nga bang kakantahin mo?"

Kung kakanta ako siyempre kailangan kong pag-isipan yun. Ngayon lang sinabi ni Papa kung anong gagawin ko kaya medyo kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong kanta ang kakantahin ko.

"Tingin niyo po? Ano po kayang magandang kantahin?"

"Hmm. Ano bang kanta ang nasa puso mo?"

Kantang nasa puso ko? Ang madalas ko kasing kantahin ngayon yung gawa ko. Deeper. Minsan naman let it go.

"Let it go nalang po siguro."

Tumango si Papa. "Kung ganun naman pala edi yun nalang ang kantahin mo."

"Sige po. Pa, may tubig po ba tayo? Tuyong tuyo na po kasi yung lalamunan ko eh."

Inabot sakin ni Papa yung isang bottle of water. Uminom ako kaagad. Nilagay ko yung earphone sa tenga ko at nagsimulang kumanta. Practice lang.

Maya maya...

"Pa?"

Tumingin ako sa paligid ko. Nasaan ako? Bakit wala ako sa kotse? Bakit nasa isang hotel ako? Bumangon ako at naglakad papunta sa pinto.

"Papa? Nasaan kaya siya?"

Naghihintay ako ngayon sa elevator ng magbukas ito. Nagulat ako ng si Papa yun.

"Pa?"

"Oh? Gising ka na pala. Pumasok ka na sa loob at magbihis."

Hinila ako ni Papa. Pumasok ulit kami sa kwarto.

"Pa? Ano pong meron? Paano po ako napunta dito? Diba po nasa kotse ako? Diba po may event po tayong pupuntahan? Ano po bang meron dito sa hotel?"

Ngumiti lang sakin si Papa at inabot yung paperbag. Naglalaman siguro yun ng damit na susuotin ko.

"Magbihis ka na. Hintayin nalang kita sa labas."

Hindi man lang sinagot ni Papa ang tanong ko. Ano ba talagang meron? Sinuot ko ang damit na binigay ni Papa. Ang ganda. White dress. Mabilis naman akong natapos at lumabas na.

"Ok ka na?" Tanong ni Papa.

"Opo."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Tara na. Naghihintay na siya."

"Po?"

Ngumiti lang ulit si Papa sakin. Nasa loob kami ng elevator. Kinakabahan ako. Bakit parang may kakaiba sa kinikilos ni Papa?

"Pa.."

"Alam mo anak. Ikaw ang pinaka masunurin kong anak. Nung sinabi kong no boyfriend muna, pumayag ka. Nung sinabi ko na bawal pa ang manliligaw, pumayag ka. Ang dami mo ng ginagawa para mapasaya ako. Palagi mo akong sinusunod kahit na alam kong labag sa loob mo yun."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon