Nakilala Ka Bang Talaga

14 0 0
                                    

Parang 'di na kita kilala napakalaki ng sayo'y nagbago
Marahil 'di mo nahahalata aking pagtatakang itinatago
Ang layo mo na sa dating ikaw tila tuloyan ng naglaho
Ang dati kong minahal at inibig sa'ting unang pagtatagpo

Tila 'di na kita kilala hindi na ba ikaw ang dating inibig
Nalinlang ba 'ko ng unang tingin na dapat pala'y pagtitig
Marahil pinakinggan kita subalit hindi ako sayo nakinig
Inakala ko kasing mananatili ka at sa akin ay mahihilig

Mistulang 'di na kita kilala tuloyang nawala ka na talaga
Nawala na ang dating ikaw na nagbigay sa'kin ng halaga
Hindi ba ayaw mo pa nga at takot kang ako ay mawala
Ngunit nagbago ang lahat at para bang ikaw ay nawala

Subalit nakilala ba kitang talaga o ako lamang ay lininlang
Totoo namang ako'y sayo lang pero pekeng ika'y akin lang
'Di ba't tila kinahiya mo 'ko kahit pa ika'y aking pinagyabang
Bakit ba kasi 'di ka nagpakilala agad no'ng simula pa lang

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now