Selosa

4 0 0
                                    

Hindi ka ba napapagod sa pagdududa mo at pagseselos
Sakal na sakal na 'ko mistulang ang leeg ay nakagapos
Ginagawa ko naman lahat 'wag lang tayo ay magtapos
Minamahal naman kita kahit nasasaktan na 'ko ng lubos

Nasasaktan dahil sa selos mo at walang sawang paghihinala
Alam ko mahal mo ko kaya ka gan'yan pero sana magtiwala
Na ikaw lang ang gusto ko mula pa man ng ating simula
At gugustohin ko pa rin makasama kahit bago pa 'ko mawala

Hindi ka ba nagsasawa na palagi na lang tayong nagtatalo
O mas magandang sabihing ikaw naman palagi ang panalo
Ikaw naman ang palaging tama kahit saan pang anggulo
At ang bawat mong mali ay akin lamang 'yang sinasalo

At hinahayaan ka na lang kahit pa palaging duda ka
Kahit pa wala na sa lugar ako ay hindi na rin nagtataka
Kasi nga nagmahal ka ng gwapo kaya tuloy magdusa ka
At mahal na mahal kita kahit alam kong sobrang selosa ka

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon