Nand'yan Pero Parang Wala

6 0 0
                                    

Sana lang alam mo 'yong pakiramdam ng naiisantabi
Tila kasama nga sa kama ngunit nakatalikod kang katabi
Habang ako heto,umaasa ng yakap sa malamig na gabi
Umaasang haharap ka at dadampi ng halik sa'king labi

Sana lang alam mo 'yong pakiramdam ng nababalewala
Tila kasama nga maghapon ngunit para rin namang wala
Ni hindi nag-uusap para bang hindi mo na 'ko nakikilala
'Yong nand'yan ka pero parang wala'y mas masakit pa pala

Mistulang ang pagsinta mo at ang dating init ay nagmaliw
Datapwat magkagano'n pa man ay 'di ko kayang bumitiw
Tahimik na lang nakamasid at pilit na ang sarili ay inaaliw
Naghihintay na lang sa pag-alis na tiyak aking ikababaliw

Pero bago man sana maganap 'yon sabihin sana ang rason
Kung bakit nauwi sa malamig na sandali ang ating relasyon
Gusto ko lang malinawan at sana ay mabigyan mo ng tugon
Mahal na mahal kasi kita at gagawin ko 'yan habang panahon

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now