Dagat

8 0 0
                                    

"Dagat" 'yan naman talaga ang tunay na namamagitan sa'tin
Malabo tayong maglapit sa ngayon kahit pa pilitin natin
Bagama't may ugnayang nagpakuntento na sayo at sa'kin
Masakit pa ring isiping 'di kita magawa man lang yakapin

Ni hindi kita masamahan sa oras nang 'yong pag-iisa
Ni hindi kita madamayan sa sandaling ikaw ay balisa
Ni hindi mapunasan luha mo 'pag sa pisngi'y bumabasa
Mistulang wala akong magagawa tila ako ay paralisa

Inimbalido ng distansya ang kakayahang mahagkan ka
Kaya't sa tuwinang maiisip 'yan batid na nasasaktan na
Nakamaskara man ng ngiti upang piliting pagtakpan pa
Sumisilip sa mga mata ang sakit na 'di na masakyan pa

Kinakaya na lang ang lahat sa kabila ng ating agwat
Malayo man sa ngayon balang araw magkakatapat
Papalitan natin ng tamis ang lahat ng pait at ng alat
Lulunodin ang isa't-isa sa pag-iibigan nating dagat

Isang Daang TulaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang