Kaliwete

3 0 0
                                    

Marahil napaisip ka sa naisipang kong gawing pamagat
Totoo namang kasing kaliwete ako pero sayo ay tapat
Sapagkat kaliwete lang naman ako 'pag ako'y nagsusulat
At 'di kita kakaliwain ayokong puso mo ay magkasugat

Dahil mahal kita kahit pa ang buhay ko na ay sumakabila
Hindi ikaw ang kanang kamay ko pero sayo ako'y tiwala
At 'di ikaw ang kanang kamay ko para wala ng nasa kaliwa
Ang gusto ko ay ikaw lang sa puso ko,sa isip ko at diwa

At kung kakain ng sabay 'wag ka sa kaliwa't baka masiko
Pero pipiliting magkanan para manatili ka dito sa tabi ko
Hindi man ako sanay ay gagawin ko ng walang reklamo
Basta't ikaw ang kasabay kakalimutan kong kaliwete ako

At kung para sayo ang gagawin ay wala ng paligoy-ligoy
'Pagkat sa hele ng pag-ibig mo ako'y tiwalang magpaugoy
Nananatili kang dahilan kung kaya't ang sarap magpatuloy
Kaliwete lang ako ngunit 'di pangangaliwa ang tinutukoy

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now