Melodiya

7 0 0
                                    

Sa musika ng pag-ibig 'yong awit mo ang nais makabisado
Kahit pa hirap sumabay sa tyempo at ang tono'y 'di sigurado
Kakantahin ko pa rin hanggang sa makuha tamang timplado
Hanggang mahuli ko ang tamang lasa ng bawat mga rekado

'Di ko alam kung mapapangiti ka sa musika mong aawitin ko
'Di ko alam kung mapapasabay ka sa lirikong sasambitin ko
Pero 'di ka man sumabay o mapangiti ipagtutuloy ko pa rin 'to
Dahil ang musika ng pag-ibig mo ay 'di na gusto pang ihinto

Mistulang humehele sa'kin tungo sa panaginip na malalim
Ginising ng pagmamahal ng mga himig mong walang linihim
At ang boses mong malaliwanag naging tanglaw ko sa dilim
Gabay upang kumawala na sa aking kahapon na malagim

Masasabi ngang 'di karaniwan ang musika ng 'yong pag-ibig
Ramdam ko ang init sa bawat yakap at ang lamig ay dinaig
Kita ko sa bawat kilos at sa paraan kung paano ka tumitig
Isang perpektong melodiya na napakasarap sa pang-dinig

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now