Alak

5 0 0
                                    

Pansamantalang pagkalimot sa magulong reyalidad
'Yan ang dulot ng likidong may mataas na kalidad
Na mistulang pagyayamanin tinataglay na abilidad
Subalit ang totoo'y linilinlang lang ang mentalidad

Oo,pinili ko na lang magpalinlang at magpakalasing
Inaakalang sugatang puso ko'y mabilis na gagaling
Ngunit matapos malango'y naaalala muli pagkagising
Ang lahat ng kirot na pasikretong sa isip dinadaing

Bakit ba kasi puso ko pa ang pinili ko na masunod
Sa kabila ng talino ako'y nagpakatanga ng malugod
Ngunit ang sukli'y para bang ako'y sa asin pinaluhod
Kaya't upang makalimot sa alak na lang nagpakalunod

Batid mang sa bawat pagtagay,lasa ang pait sa dila
Ninanamnam na lang pampapawi sa sakit ng hiwa
Sa pusong nagmahal lang naman hanggang sa diwa
Ngunit naging kapalit ako ay naiwanan na nag-iisa

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now