Nasa Gitna Ng Katanungan

7 0 0
                                    

Nasa gitna ako ng katanungan na 'di ko maisip ng lubos
Kung dapat pa bang magsimula ulit o dapat ng magtapos
Nasa pagitan ako ng katanungan na tila ba pakikipagtuos
Lubha kasing hirap kalabanin ang umiiral na pagseselos

Nawalan ba ako ng tiwala o maniwala pa ay natatakot
'Yan pa rin ba ay katanungan o parte na ng mga sagot
Hawak kita at 'di binitawan ngunit parang 'di kita abot
Masaya ba talaga tayo o naiibsan lang natin ang lungkot

Nasa pagitan ako ng katanungan na tila paulit-ulit na
Mananatili ba ako,mananatili kahit ang pa ang sakit na
O marahil dapat ng lumayo at huwag na 'tong ipilit pa
Masakit manatili o lumayo,bibitaw na ba o kakapit pa

Nasa gitna ako ng katanungang tila batong nag-uuntogan
At kahit na anong piliin kong sagot ako'y tiyak masasaktan
Napakahirap alamin ng tama kung nasa kaliwa o sa kanan
Ikaw bang iniibig ko ang pipiliin o dapat ba'y sarili ko naman

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now