Maikling Kwento

8 0 0
                                    

Marahil ikakagalit mo kung sakaling ito ay mabasa
Paumanhin kung hindi ko maamin na wala ng lasa
Matabang na para sa'kin tamis na 'yong pinatatamasa
Gustohin ko mang simulan kung pa'no ba nag-umpisa

Sadyang wala na,'di ko na talaga mawari kung papaano
'Di ko na kayang magsimula muli upang ika'y mapaamo
'Di ko alam pero 'di na ako tiyak sa sayo'y mapapala ko
'Yan ay napagtanto ko buhat ng masira mo ang tiwala ko

At kung sakaling tayo pa sa sandaling mabasa mo 'to
Tatanggapin ko lahat ng galit na sayo ay matatamo ko
Subalit sa mga sandaling ito sana'y mapatawad mo 'ko
Dahil ako ay nagsinungaling at hindi sayo naging totoo

Ngunit kung ito naman ay mabasa nang wala ng tayo
Nagpapasalamat ako dahil sa mundo ko ika'y dumayo
Kinilala't inunawa ako at minsang naging mahalaga sayo
Salamat sa alaala ng maikling kwentong magkasama tayo

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now