Pinili,Pinasaya,Pinaniwala

13 0 0
                                    

Pinili mo 'ko,walang kasing sarap 'yan sa damdamin
Pinili mo 'ko,alam mo bang matagal ko 'yang dalangin
Pinili mo 'ko,kahit pa nabatid lahat ng aking dalahin
Pero pinili mo lang pala ako no'ng wala ka ng pipiliin

Pinasaya mo 'ko sa mga sandaling tayo ang magkasama
Pinasaya mo 'ko sa paraang alam mong 'di nakakasawa
Pinasaya mo 'ko at pinalimot ang kahapong napakasama
Pero pinasaya mo lang pala 'ko at ang kapalit ay masama

Pinaniwala mo 'ko sa salitang napakasarap sa pandinig
Pinaniwala mo 'ko ng bawat binubulong mo na pag-ibig
Pinaniwala mo 'ko sa damdamin mong nagawang isatinig
Pero naniwala lang pala ako sa sinungaling mong bibig

Bakit ba pinili mo pa 'ko kung para lang pala ako'y sirain
Bakit ba pinasaya mo pa 'ko kung sa huli'y palulungkotin
Bakit ba pinaniwala mo pa 'ko sa huwad na damdamin
Bakit ba ako pa ang pinili,pinasaya at pinaniwalang iibigin

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon