Kung Hindi Ikaw

7 0 0
                                    

Kung 'di rin lang ikaw ay 'di na muli pang magmamahal
Sapagka't tanging ikaw na lang ang hiling ko at dinadasal
Ikaw rin ang tanging sagot sa paghihintay ko ng matagal
Sayo ko na nais itaya ang lahat ito man ay malaking sugal

Kung 'di rin lang ikaw ay 'di na muli pang maghahanap
Ng muling pang pagkakatiwalaan at sa akin ay tatanggap
'Di dahil sa takot na ako sa halip ay lubha kasing mahirap
Makatagpo ng taong makakatulong tumupad ng pangarap

Kung 'di rin lang ikaw ay hahangarin ko na lang na mag-isa
Hindi ko na kasi alam kung paano pa ba hahanap ng iba
Kung paano ipapakilala ang sarili ko tulad ng ating umpisa
'Di ba't ikaw ang bumuo ng mundo ko mula sa pagkakagiba

At kung 'di rin lang ikaw ay 'di muli pa akong iibig
'Di ko na hahayaan ang puso na sa iba pa'y pumintig
Pipigilan na rin ang damdamin na makadama ng kilig
Dahil tanging para sayo lang ang aking wagas na pag-ibig

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now