Pelikula

9 0 0
                                    

Sa ikalawang pagkakataon tayo unang nagkatagpuan
Sa unang pagkikita tila ba nabura nakaraang tampuhan
Pinawi ng ngiti mo ang aking nagawang mga kasalanan
'Di ko maipaliwanag pero may kakaibang naramdaman

Sa unang pagtatama ng mata pagsasalubong ng tingin
Ang lakas ng aking kaba tila kakaposin ako sa hangin
At bigla naisip kong noo'y bakit ito'y 'di nakuhang gawin
Sana pala noon pa lang nagawa ko nang sayo'y aminin

Ngunit wala nga pala akong sapat na lakas ng loob noon
At nababatid kong hindi ikaw 'yong tipong pangkoleksyon
Ayokong maging biktima ka ng matamis kong salita noon
Kaya't humantong na lang tayo sa kawalan ng koneksyon

Pero sana ang ating pagkikitang ito'y maganda ng panimula
At sana maibalik palitan natin ng mensahe,kwento't pati tula
Mistulang pagkikita ng mga bida sa isang romatikong pelikula
Tila isang yugto sa kwento kung saan tayo ang magsasadula

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon