Ngiti

8 1 0
                                    

Sa muli mong pagngiti batid kong napawi na ang hikbi
Pinatunayan mong ang pag-ibig mo sa akin ay masidhi
Tugon sa paghingi ko ng paumanhin ay 'di mo tinimpi
Sa halip ay matamis na ngiti ang sa akin pa ay naisukli

Ngiti na tila liwanag sa kadiliman ay ganap na nagsindi
Ngiti na nagpatunay na ang pag-ibig mo sa'ki'y matindi
Ngiti na bakas ang pagmamahal mong hindi maikukubli
Na mistulang punong mayabong na nagmula lang sa binhi

Ang ikaw ay mahalin lubhang napakasarap sa pakiramdam
Sana hindi na muling humantong ang tayo sa pamamaalam
'Di na kita isasauli kung sa akin ikaw lamang ay pinahiram
Dahil sandaling wala ka'y ang gagawin ay 'di ko na alam

'Pagkat nasanay na akong ikaw ang unang kausap pagkagising
Huling kakwentohan sa gabi bago pa ako ay mahimbing
Sagot ka sa'king mga dalangin higit ka man sa'king hiling
Ngunit pinagpapasalamat kong sa buhay ko ika'y dumating

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now