Kamusta

10 0 0
                                    

Kamusta ka na,sana naman nasa maayos ka na kalagayan
Nais kitang kamustahin pero 'di ko alam kung pa'no simulan
'Di ko rin alam kung ako ba ay sasagotin sa tanong na 'yan
Ngunit alam mo gusto ko pa rin tayo'y maging magkaibigan

Kahit pa sobrang labo na,sa kabila ng lahat ng mga naganap
Sa kabila ng namagitan ako pa nga ba'y 'yong matatanggap
Marahil hindi na,pero sana balang-araw muling magkaharap
At magawa kitang kamustahin ng hindi na gano'ng kahirap

At sana sa araw na 'yon masilayan muli ang 'yong ngiti
Ngiti na minsan sa aking ay iyong nakuhang maibahagi
Ngiti na natatangi at ngiting tangi mong pag-mamay-ari
Ngiti na 'di lang sa labi bagkus sa mata ay namumutawi

Kamusta ka na kaya,ikaw ba'y nasa kalagayang maayos
Kamusta ka na,ano nangyari matapos tayo ay magtapos
Kamusta ka,sana nasa sitwasyon ka ng nais mo ng lubos
Kamusta,bakit ba 'di ko 'yan maitanong tila ba ako'y paos

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now