Lihim Na Pag-Ibig

3 0 0
                                    

Mahal na mahal kita subalit hindi ko 'yan sayo maamin
Gustong-gusto kitang ipagdamot pero 'di ka naman sa akin
Dahil pagkakaibigan lang ugnayang namamagitan sa atin
At naisin ko mang ika'y ligawan upang tuloyang mapasa'kin

Ay hindi ko makuhang subokan ni hindi ko maumpisahan
Kahit pa sa isip ko kabisado na ang mga salitang bibitawan
At kahit na ang lahat ng pagkakataon ay nasa'kin ng harapan
Nauuwi lang sa pag-urong ng dila 'pag ikaw na ay nand'yan

Na-uutal pa nga kung minsan na madalas napupuna mo
Dahil sa'king katorpehan sukli sa pag-ibig ko'y 'di matamo
Wala naman akong magawa 'di rin pwedeng magreklamo
'Pagka't 'di mo rin alam ang sa puso'y tunay na sinusumamo

Pero sana'y magawa kong sambitin pagtinging kinikimkim
Sana'y makuha kong bigkasin pagsintang lalong lumalalim
Sana'y masabi kong banggitin pagmamahal kong taimtim
At sana'y madali lang na sabihin ang pag-ibig kong inililihim

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon