Nakapanghihinayang 'pag 'yong 'di pinahalagahan ay nawala
Mistulang pusang nagutom kung kaya't sa kahon ay kumawala
Nagutom sa atensyon at pagmamahal na sa'kin nais na mapala
Subalit 'di ko nakuhang maipadama ni 'di ko man lang nagawaBakit nga ba hindi ko nagawa marahil may takot pa 'ko no'n
Ngunit batid kong 'di rason ang takot para sa tanong ay itugon
Siguro hindi ka pa gano'ng kahalaga pero hinanap kita no'n
Umaasang isang araw babalik ka kapag tama na ang panahonNaghintay ng palihim at tila mula sa malayo sayo'y nakamasid
Gusto kita lapitan,humingi ng tawad at sayo'y aking mapabatid
Ang panghihiyang sa pagkawala mong tila ako pa ang naghatid
Ugnayang inakala kong lubid isa palang sinulid kaya't napatidNgunit sinadya yata ng tadhana na magsanga pa ating daan
Isang paglalakad kung sa'n pinalad sa pinili kong paglakaran
Ang pusang minsang naligaw ay nagbalik sa kahong tahanan
Pero sa pagkakataong ito na ika'y naririto akin ka ng aalagaan
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula
PoetryGinawa ko 'to para makaligtas sa pakiramdam ng pag-iisa,sa sandaling akala mo wala ka ng kakampi,sa sandaling malungkot at walang mapaglabasan ng sama ng loob,sa mga oras na masaya ngunit walang makasama upang magdiwang,Tanging tula at mga tugmang l...