Huling Tula

6 0 0
                                    

Ito na ang aking huling isusulat na tula na sayo ilalaan
Sana matanggap mo ng tayo ay isa na lang nakaraan
Isang alaalang babalikan na hindi maaaring dugtongan
Isang pahina ng kwento mo kung saan ako napadaan

At para sayo ay pasasalamat ang aking huling tula
Maaari ka ng magpatuloy at muli pa na magsimula
Sa sandaling 'to ay ikaw na lang dahil ako na ay wala
Lumayo na at tuloyang naglaho mistulang isang bula

Masakit man para sayo alam kong na makakaya mo
Magagawa mo pang muli magmahal ng 'di kagaya ko
At ang magtiwala pang muli alam kong 'yan ay kaya mo
Sana sa pagkakakulong sa akin dahil dito'y mapalaya ko

Hindi ako ang nararapat sayo lagi mo sanang tandaan
May mas nararapat at mas tamang taong sayo nakalaan
Dapat lang harapin ang bukas at talikuran ang nakaraan
At sa aking huling tula nais kitang labis na pasalamatan

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon