Tanga Na Naman

4 0 0
                                    

Tanga na naman ako at muli pinatawad na naman kita
Pinatawad sa kasalanang paulit-ulit na at nakakairita
Natangay na naman ako ng mahika sa bawat mong salita
Tinalo ng puso ang utak dahil sa sobrang minamahal kita

At alam mo 'yan,alam na alam at labis pang nararamdaman
Kaya siguro napakadali para sayo ang umulit pa sa kasalanan
Dahil alam mong sa isang mensahe lang ako'y tanga na naman
Muli ay mabibilog mo ako subalit bakit ka nga ba gan'yan

Alam mong mahal kita ngunit bakit patuloy mong sinasaktan
Nananatili akong tapat sayo kahit lagi mo naman tinatalikdan
Tinatanggap pa rin kita kahit mga mali mo'y 'di na masakyan
Ang sakit mo namang mahalin at ang hirap mong maintindihan

Mahal mo ba akong talaga o nakikita mo lang bilang libangan
Minamahal mo ba akong talaga,minahal mo ba 'ko ni minsan
Bakit hindi ko maramdaman at tila 'di mo 'ko pinapahalagahan
At kahit masakit na bakit pagdating sayo ako'y tanga na naman

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon