Nakatakdang Pagtatagpo

8 0 0
                                    

Palapit na ng palapit,araw ng ating nakatakdang pagtatagpo
At habang nalalapit na'y tila ang araw ay bumibilis ang takbo
Sa pakiwari ko ay napakahirap ng matulog sa gabi ng gan'to
Labis na ang nadadamang pananabik at 'di na mapigilan 'to

Darating na ang araw na magtatagpo ang ating mga paningin
Magagawa na marahil kitang hagkan at mahigpit na yakapin
Makukuha na kitang lambingin at suyoin,matapos na asarin
Maaari ng maglakad habang magkahawak ang kamay natin

Mas masarap na rin ang pagpupuyat dahil ikaw ang katabe
Ikaw ang kayakap at mababalewala sa'tin ang lamig ng gabe
At sa pagmulat sa umaga ay merong makakasabay magkape
Labis na talagang nakakasabik ang nalalapit mong pag-uwe

Sana sa pagtatagpo natin ay hindi na muli pang magkalayo
Dahil alam kong ang buhay at pag-ibig ko ay laan na sayo
Maging ako'y para na sayo,habang-buhay para lamang sayo
Kaya't asahan mong ika'y habang-buhay pakaiingatan ko

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon