Sa Wakas

8 1 0
                                    

Hindi ko alam at 'di ko maunawaan ang pakiramdam na 'to
Sobra ang pananabik kong nadadama sa mga sandaling 'to
Hindi ko alam at mistula bang kakaposin pa ang hininga ko
Ang matagal kong pinakahihintay,sa wakas makakamtan ko

Parang isang panaginip na pagkagising ko ay totoo na pala
Masasabing 'di sayang ang paghihintay ko dahil may napala
Parang isang ilusyon na imahinasyon lang sa aking inaakala
Subalit napagtantong may bunga ang ginawang pagtyatyaga

Matamis na panahon at sandaling hinintay nating dalawa
Magaganap na ang masilayan kita't mahahagkan na talaga
Sa kabila ng hindi pagkainip ay makukuha ko ng magawa
Ang maalagan ka at maparamdam sayo ang iyong halaga

Sa wakas,walang nasayang sa oras na sinakripisyo natin
Sa wakas,walang napagod at bumitaw sa relasyon natin
Sa wakas,wala na ang distansya na pumipigil pa sa atin
Sa wakas magaganap na ang matagal na hinihiling natin

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now