Balang-Araw

7 0 0
                                    

Balang-araw kung bibigyan ako ng pagkakataon
Ipapadama ang pag-ibig ko na walang limitasyon
'Pagka't sa ngayon batid kong imposible pa 'yon
Subalit aasa sa tadhana kung aayon ang panahon

Balang-araw kung sakaling umayon na ang lahat
Ipapadama ang pag-ibig ko na walang kasing tapat
'Pagka't sa ngayon alam kong malayo pa ating agwat
Subalit aasa sa tadhana hanggang sa maging dapat

Balang-araw kung tayo na talaga aking iingatan ka
Ipapadama ang pag-ibig ko ng walang pangangamba
'Pagka't sa ngayon batid ko tayo'y may alinlangan pa
Subalit aasa sa tadhana na sana tayo na ang tinakda

Balang-araw kung sakali man na makakasama kita
Ipapadama ang pag-ibig ko na walang halong irita
'Pagka't sa ngayon alam kong malabong magkita
Subalit aasa sa tadhana dahil sa minamahal kita

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now