Sobrang Saya

11 1 0
                                    

Pasensya ka na,kinakabisado ko lang ang bawat mong galaw
Alam naman nating limitado pa ang oras na kasama ko'y ikaw
Bilang pa ang sandaling maaari kitang mamasdan at matanaw
Kung kaya't maging sa bawat pagyakap tila ayaw ng bumitaw

Paumanhin kung mistulang tinutunaw kita sa bawat pagtitig
Napakasarap lang kasi talagang pagmasdan ang aking iniibig
Namumukod-tangi ka sa aking paningin dito sa ating daigdig
Ang bawat mo na pagngiti dulot sa aking damdamin ay kilig

Patawad kung lagi kitang inaasar,ang ganda mo kasing pikon
Masasabi kong ikaw na talaga ang nais ko sa habang panahon
Sagot sa bawat kong hiling at sa mga dasal ko'y s'yang tugon
Babaeng kaytagal ng ambisyon na sa buhay ko'y inspirasyon

Pasensya ka na kung bakit sa sobrang saya ako'y natatahimik
Paumanhin kung minsan 'di nagsasalita tila nauubosan ng titik
Patawad kung minsa'y napapangiti na lang ako't walang imik
Sobrang saya talaga sapagka't natugonan mo aking pananabik

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon