Mahal Kita

4 1 0
                                    

Mahal kita at ngayon ko lamang naramdaman ito ulit
'Yon bang maya't maya ay ninanais sayong mangulit
At sa bawat sandali sa isip ko ay hindi ka nawawaglit
Kung kaya't bawat oras na binibigay sa'tin ay sinusulit

Mahal kita at hindi ko alam kung bakit basta mahal kita
At mahal mo rin ako nababasa't nakikita ko sayong mata
Maging sa bawat mong pagngiti tila ba perpektong pinta
Subalit wala pa rin akong dahilan kung bakit ka sinisinta

Mahal kita sinungaling ako kung 'di ko aaminin sayo 'yan
At wala akong dahilan para ilihim at hindi ipadama 'yan
Sa pagka't gusto kong malaman at maramdaman mo 'yan
Wala na rin akong pakialam kung mali pa ba o tama 'yan

Basta mahal kita,mahal na mahal,mahal na mahal kita
Kung kinakailangang ulit-ulitin,uulit-ulitin kong isalita
Kung kinakailangang ulit-ulitin,uulit-ulitin kong ipakita
At wala akong ano mang pinagsisisihang minahal kita

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon