Pinagpalit Sa Malapit

7 0 1
                                    

Alam mo 'yong masakit,'yong ipagpalit ka sa mas malapit
Dahil mas madali lang daw nalalambing kapag nagagalit
Dahil mas madali lang daw nasusuyo kapag nagsusungit
Dahil mas madali lang daw puntahan kasi nga mas malapit

Masakit,wala kang kalaban-laban kahit pinaglaban mo pa s'ya
Matapos kang maging tapat sa kabila ng malayong distansya
Naging ganti sa pag-ibig mo ay nakalulungkot na pagpapasya
Tinapos ang lahat na parang ang lahat ay walang importansya

At para bang ang lahat ng sinakripisyo mo'y hindi naging sapat
Ginawa man lahat ng makakaya ay kulang pa rin pala ang lahat
Madali n'yang isinuko ng dahil lamang sa malayo n'yong agwat
Wala kang nagawa,tinalo ang pag-ibig mo na ibang klase sa lahat

Patawad kung nakuha kitang ipagpalit sa mas malapit sa akin
Nadala ako ng pananabik naging marupok ang aking damdamin
Hindi na kita tinanong bigla na lamang kitang nakuhang lisanin
Pinagpalit kita sa mas malapit na tila wala lang lahat para sa'kin

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now