Panaginip

10 0 0
                                    

Mistulang dinala mo 'ko sa isang magandang panaginip
Isang ilusyon ng tulog ngunit may bangungot na kalakip
Ang inakala kong mahabang tulog isa lang palang idlip
Ginising mo 'ko sa reyalidad mula sa aking kathang-isip

At sa aking pagkamulat ikaw ang nakita sa aking tabi
Bagama't nawala sa aking isip ang nangyari no'ng gabi
Lubhang tinangay ng panaginip kaya't ika'y naisantabi
Ngunit alin nga ba ang panaginip 'yon nga bang kagabi

O itong aking pagkamulat sa tabi mong nahihimbing
Ano bang nangyari kagabi at bakit dito na'ko nagising
Tila ito nga ang panaginip imahinasyon kong hiniling
Ninais kitang makatabi subalit hindi sa oras na gising

Dahil malabo na mangyari ngunit nagkamali pala ako
'Pagkat ang totoo'y sanga ng landas natin ay nakapako
Nayakap ka ng mahigpit habang mga labi'y magkapako
Totoo ang aking panaginip tunay na gising na nga ako

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon