Sa Likod Ng Tula

5 0 0
                                    

Kilala kita,kilalang kilala kita sa likod ng bawat mong tula
Bagaman kabisa ko ang konstraktura ng 'yong mga salita
At batid ko kung papaano ang paraan mo ng pagsisimula
Kaya't hindi mo 'ko matataguan sa likod ng 'yong mga tula

Kilala kita,labis kitang nasaktan kaya't sa tula mo dinaan
Ang sakit na nararamdaman ang dulot ng aking paglisan
Ni hindi kita naabisuhan at masasabing binigla ng lubosan
Binitawan ko ang pinagsamahan ng walang sapat na dahilan

Walang sapat na paliwanag biglaang tinapos ko ang lahat
Pero sana huwag mong iisipin na sa'kin ay 'di ka sumapat
Ang totoo'y masyado kang labis kaya't sa'kin 'di nararapat
Sapagka't ang isang tulad ko sayo ay hindi naging tapat

Alam ko namang kaya mo na lumimot pa at magsimula
Alam ko na kaya mo huwag kang matakot na magtiwala
Sana sa susunod na mababasa kong sulat na sayo nagmula
Ay hindi na malungkot at masaya ka na sa likod ng tula

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now