Higit Sa Lahat

5 1 0
                                    

Gusto ko lang magpasalamat sayong pag-unawa
Gusto ko lang magpasalamat sana 'di ka magsawa
Gusto ko lang magpasalamat sa hatid mong tuwa
Gusto ko lang magpasalamat dahil 'di ko 'yan nagagawa

'Di ko man nasasabi sayo palagi kang nasa isip ko
'Di ko man nasasabi sayo ikaw lang ang iniibig ko
'Di ko man nasasabi sayo kaligtasan mo'y hiling ko
'Di ko man nasasabi sayo sayo ay napakaswerte ko

Sana hanggang sa dulo ikaw na at ako'y manatili
Sana hanggang sa dulo makasama ka sa bawat ngiti
Sana hanggang sa dulo karamay ka sa bawat hikbi
Sana hanggang sa dulo kapiling ka sa bawat sandali

Kasi minamahal kita at ipinagpapasalamat ko lahat
Kasi minamahal kita 'di ko man masabi sayo lahat
Kasi minamahal kita at hanggang sa dulo ay tapat
Kasi minamahal kita at minamahal kita higit sa lahat

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon