Ikaw Ang Dahilan

5 1 0
                                    

Ikaw talaga ang dahilan kung bakit tayo'y lalong tumatag
Batid mang minsan sa batas ng pag-ibig tayo na'y lumabag
Ay binalewala,'di mo inalintana sa halip ay nagpakapanatag
Pinatunayang sa buhay ko'y 'di lang basta magbibigay ambag

Sa halip ay magiging permanente at mananatiling bahagi
Na 'di ko man katabi pa ay masasabi kong naririyan palagi
Ikaw talaga ang dahilan kung bakit lungkot ko ay napawi
Hinatid mo ang kasiyahang sa mata ko ay mamumutawi

Kaya't wala na 'kong hahanapin pa tila lahat na'y nasasa'yo
Wala na ring mahihiling pa sa oras na ikaw na'y kasama ko
Dahil ikaw talaga ang dahilan kung ba't laging inspirado ako
'Di mo inutos ngunit dahil gusto ko para sayo'y nagbago ako

Na akala ko no'ng una'y 'di ko kaya na pumikit sa mga tukso
Iba talaga kapag puso ang umiral at damdamin ang gumusto
Malinaw sa aking isipan na ikaw ay sapat na't sa'kin ay husto
Ikaw talaga ang dahilan,ang tanging dahilan ng pag-aayos ko

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon