Palaging Magsimula

7 0 0
                                    

Ang bilis lang ng mga pangyayari at mistulang surpresa
Isang mensahe ang nagpahayag na darating ang prinsesa
Ngunit 'di batid kung lulan ka nga ba ng eroplano o kalesa
At kung ano ang ihahaing pagkain sa mga plato sa mesa

Bahagya akong nataranta kaya't ang ginagawa'y minadali
Tinapos ng maaga sa takdang oras upang 'di ako mahuli
Bagama't labis ang aking pananabik na masilayan ka muli
Makasama,makausap at mamasdan matatamis mo na ngiti

At sa saglit na panahon na ikaw ay naririto sa aking piling
Sa pakiwari ko'y nakamtan na ang minimithi kong hiling
Salamat sapagka't sa buhay ko ang tulad mo ay dumating
Sana'y 'di ito panaginip lang na maglalaho sa'king paggising

Dahil walang kasing sarap sa diwa ang sa'kin ay dulot mo
Kung kaya't sana ang mahalin ka'y sa'kin maipahintulot mo
At kung ang lahat sa una lang masaya ako sana'y hayaan mo
Na paulit-ulit mag-umpisa at palaging magsimula kasama mo

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now