'Pag Ikaw Ang Kulang

12 1 0
                                    

Sa naganap sa'king pagkasira,napakarami kong ginamit
Kung sino-sino,kung kani-kanino aking loob ay inalapit
Nagbabakasakaling gumaan ang nararamdamang sakit
Napakabigat sa kalooban,bakit ba ito ang aking sinapit

Sa nangyari sa'king pagkabasag,tila ba ako ay naging tuso
Sa mga babaeng napalapit sa akin na labis kong naabuso
At matapos puso'y durogin mistulang kinuhaan ng piraso
Maliit na bahaging ambag para sa binubuong sariling puso

Sa naganap sa'king pagkadurog,naisipan ko na gumanti
Kung sino-sino,kung kani-kanino ako'y pekeng lumandi
Kinuha ko ang loob,pinaikot sa palad at sa bandang huli
Isasagawa na ang napipinto at nakatakda kong pagbawi

Sa nangyari sa'king pagkahati,sarili ko'y pilit na linibang
Sa mga babaeng napalapit na sa daliri ko'y 'di na bilang
Kaya't  gamit ang galing ko sa salita sila'y aking lininlang
Ngunit 'di pa rin pala talaga masaya 'pag ikaw ang kulang

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now