Sabik Na Sabik Sayo

12 0 0
                                    

Sa saglit na sandaling hindi kita nagagawang makausap
Ang isipan ko ay mistulang tuliro at ikaw ay hinahagilap
Batid ko mang ika'y abala kaya't unawain ka'y sinisikap
Iniisip na ang pagiging abala mo'y para sa'ting hinaharap

Kinukumbinsi ang sarili na hindi ka muna abalahin
Naghihintay na lang sa oras na ako'y iyong alalahanin
Alam ko naman sa isip at sa puso mo'y ako pa rin
Sabik lang talaga ako sayo sana'y huwag masamain

At kung minsan istorbo na 'ko,ako'y humihingi ng tawad
Bagama't ang makausap ka'y nais ko talagang hinahangad
Ikaw ang gamot sa pagkabagot,pagkainip at pagkatamad
Kung maaari lang sana ikaw ay makasama ko na kaagad

Sa sandali ng pag-iisa,hiling ko sana ay magkatabi tayo
At sa minuto namang kausap ka'y iniisip na 'di ka malayo
Yinayakap ang saglit na panahong sa'kin ay nailalaan mo
Oras-oras at kada segundo ay talagang sabik na sabik sayo

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon