Kung Maaari Lang

8 1 0
                                    

Darating ang sandaling aalis ang taong ayaw nang mawala
Na kahit pa pilit pigilan ang tanging magagawa lang ay wala
Na magiging sukli ay kirot na sa damdamin ay tatanikala
At bibilang ng panahon at oras upang muling makasimula

Marahil kung lubos na iisipin ay nakatitiyak na ikababahala
Sapagkat lubhang napakahirap na muli ay magtiwala
At maniwalang sa pag-ibig magaganap ang himala
Bakit ba kasi 'di naman itinadhana subalit pinagkakilala

Pinaglapit ang kabanatang may magkaibang istoryang abala
At nagsanga ang kalsadang linalandas ng hindi inaakala
Sa byaheng meron ang kwento ay sa isa't isa naantala
Mistulang pahinang palihim na nabuo at sikretong inilathala

Kung pwede lang talagang itama idadasal ko 'yan kay bathala
Dahil ang librong nasulat natin ay ayoko lang maging alaala
'Pagkat makulay na yugto tanging sayo ko lamang napala
Kung maaari lang itala muli ang aklat sayo ako magsisismula

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon