Binuo Mo 'Ko,Sinira Kita

5 1 0
                                    

Hindi mo 'ko iniwan no'ng sandaling puso ko ay durog
Matapos ng mistulang pagkabasag sa maling pagkahulog
Subalit pinulot mo ang bawat piraso kahit pa ikabubog
Dahan-dahang binuo at ibinalik sa dating pagkakahubog

Palagi ka sa tabi ko at ako'y tinulongan makabangon
Sa nakakalunod na pasakit ako'y tinuroan makaahon
Tila ba ginamot ang damdaming tinurokan ng lason
Ikaw ang nagtulak sa akin upang 'di sukoan ang hamon

At no'ng sandaling ang puso ko'y handa ng magmahal ulit
Sinabi mong mahal mo ako subalit ang sagot ko ay "bakit?"
Sa isang iglap ang kakaibang lungkot sa mata mo'y gumuhit
Naglaho maging ang ngiti sa labi mo na kanina ay nakaukit

Mula no'n 'di na tayo nag-usap,walang imikan 'pag nagkikita
Subalit 'di ko makalimutan no'ng sabihin mong "mahal kita"
Patawad kung hindi ko natugonan ang huling sinabing salita
Salamat dahil binuo mo 'ko ngunit patawad at nasira kita

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now