Torpe

4 0 0
                                    

Alam kong alam mo ang pag-ibig kong sayo pinapahatid
Subalit hanggang paramdam lang ako't hindi mapabatid
Hindi ko makuhang aminin batid mang hindi ka manhid
Hinihintay rin bang isatinig ko ang sa'ki'y 'yong namamasid

Ngunit paano ko nga ba masasabe ni hindi makadiskarte
Kahit pa sa buhay ko'y ikaw na lang ang kulang na parte
'Di ko lang talaga maibunyag dahil sa'king pagkatorpe
Nakakaduwag lang talaga ngunit hindi 'yan pag-iinarte

Mahina talaga ang aking loob kung kaya't 'di ko maamin
Kahit pa marami akong pagkakataon upang ito'y sabihin
Nauunahan ng takot na baka ako lang ay 'yong ignorahin
Mahal kita 'yan ang 'di masabing sinisigaw ng damdamin

Hindi ba at nakikita mo naman sa bawat galaw ko't kilos
Alam ko ramdam mo rin ang pagmamahal ko na taos
Pero hindi ko pa rin maisaboses at mistulang ako'y paos
Torpe nga kasi ako pagdating sayo'y naduduwag ng lubos

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon