Hinayaan Lang Kita

5 0 0
                                    

Hinayaan na lang kita hindi lang dahil para sa'kin
Hinayaan kita para na rin sayo at para na rin sa'tin
Ayaw mo ng lumaban ano pang rason para pilitin
Isinuko mo ang meron tayo bakit pa kita pipigilin

Nagdesisyon ka na kaya't desisyon mo'y rerespetohin
Ginusto mo na,ayaw ko man ay dapat kong tanggapin
Na wala lang talaga para sayo lahat ng meron sa'tin
Na gano'n na lang kadali para sayo na ako ay burahin

Ni hindi mo na nga ako tinanong kung makakaya ko
Pero dahil gusto mo hinayaan kita sa nais na paglaya mo
Ngunit sana naman sinabi mo ng maaga,ang daya mo
Binigla mo 'ko subalit ayos lang basta sa ikaliligaya mo

Ayoko ring manatili ka pa sa'kin kung iba na laman n'yan
Ayokong maging kontrabida sa kwento mo alam mo 'yan
Ayoko man palayain ka pero hiling mo'y dapat pagbigyan
Mahal kita kaya't kahit masaktan ako ika'y aking hinayaan

Isang Daang TulaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum