Pusa Sa Kahon

11 0 0
                                    

Nakapagtataka ang 'di ko mapaliwanag na idinudulot mo
Mistulang pumapawi sa mga natatagong lungkot ko
Sa'king pakiwari lubos ng napapalapit kaya't kinatatakot ko
Baka isang araw alaala na lang lahat ng namamagitang 'to

Pagkakaibigang batid kong lalong lalalim sa kalaonan
Pagkakaibigang hatid ay saya sa kabila ng ating kalayuan
Pagkakaibigang malinaw man ay saklaw ang kalabuan
Dahil sa sitwasyong bumabalakid ang katotohanan

Nakakalungkot kung iisipin ngunit sinadya siguro 'yon
Na magkalapit tayong dalawa sa hindi tamang panahon
Marahil may planong maganda sa atin ang panginoon
Ganoon pa man mananatili kang pusa sa aking kahon

Hindi ko man nababatid ang tunay mong pangalan
Masaya akong nakilala ka at aking naging kaibigan
Kaya 'wag ng magtaka kung lagi kitang pinasasalamatan
Ikaw ang aking pusa sa kahon na nais kong maalagaan

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon