Mahal Mo Ba 'Kong Talaga

8 0 0
                                    

Mahal mo ba akong talaga o masaya lang pakiramdam mo
Hindi kaya nabubusog ka lang sa atensyong ibinibigay ko
O baka nakikita mo lang akong nand'yan upang libangan mo
Marahil sanay ka lang sa pakiramdam na alam nandito ako

Pero mahal mo ba akong talaga kung gano'n sa anong dahilan
Hindi kaya mahal mo lang ako dahil iyon ang kinakailangan
O baka nasanay ka lang sa presensya ko dahil laging naririyan
Marahil sanay ka lang na parati akong kausap at kakwentuhan

Subalit mahal mo ba akong talaga o kailangan mo lamang ako
Hindi kaya nananatili ka lang dahil sa binitawang mga pangako
O baka nananatili ka lang dahil sa mga sumpang ayaw mapako
Marahil 'yon talaga ang dahilan kaya namang meron pang tayo

Ngunit mahal mo ba akong talaga kasi labis kitang minamahal
Hindi dahil sa kailangan kita,hindi rin dahil sa tayo ay nagtagal
Mahal kita dahil mahal kita at dito sa damdamin ika'y espesyal
Sana mahal mo 'kong talaga dahil 'yan ang aking laging dasal

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon