T-Wala

4 1 0
                                    

No'ng panahong nasira ko na alam kong 'di na babalik sa dati
O kung bumalik man,'di na buo o baka wala na rin sa kalahati
Kasalanan ko naman,alam ko,kung bakit nasira't tila ba nahati
Ang tiwala mo kaya't hanggang ngayon ika'y nagdadalamhati

At hindi mo maitatangging meron kang hindi masabing hinala
Hindi ko na maaalis sayo 'yon tila sa isip mo na'y nakatanikala
Nababatid ko ring sa mga sinasabi ko'y hindi ka na naniniwala
Ano bang magagawa ko,hindi ba nasira ko na ang 'yong tiwala

Maaaring naibalik natin ang dati subalit aminin mo ng 'di lahat
Bumalik man ang pag-ibig pero ang tiwalang bumalik,'di sapat
At sa isipan mo'y may bumubulong pa rin na ako'y hindi tapat
Anomang sandali'y magloloko at magagawang ulitin muli lahat

Marahil napatawad mo nga ako,napatawad mo na bang talaga
Kung sa isipan ay may bahagi pang ayaw magpatawad talaga
O marahil pinatawad lang ako upang relasyon ay hindi mawala
Pero sana'y patawarin mo na'kong talaga sa kasalanang nagawa

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now