Third Party

3 0 0
                                    

Alam ko na kamalian ang patuloy pa na makisalo
Sa pag-ibig mong kahit kailan ay hindi ko masosolo
Dahil sa relasyon n'yo ako 'yong 'di imbitadong dumalo
Pag-iibigang pangdalawahan pinilit gawing pangtatlo

Alam ko na sobra ang sakit subalit ako pa rin ay patuloy
Sugatan man ako ng mga paso linalaro pa rin ang apoy
Nakakalunod man ang kasalanan tuloy pa rin ang langoy
Ako'y inanay ng pag-ibig kaya't parang marupok na kahoy

Alam ko na kasalanan ngunit patuloy pa rin nakakapit
Umaasang isang araw hiling ko'y hindi na ipagkakait
'Yon ay ang maging akin kang tuloyan ng walang magagalit
At lahat gagawin ko para 'di na magkalayo ating paglalapit

Alam ko na sobrang hirap pero ako pa rin ay nakikihati
Ibigay ko man ng buong-buo ang sukli pa rin ay kalahati
Wala naman akong magagawa kasi pinili kong makihati
At anong magagawa kung ikaw ang dahilan ng aking ngiti

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon