Dahil Sa Pag-Ibig

4 0 0
                                    

Alam kong 'di madali para sayo ang sa atin ay naganap
Lalo pa't tinapos ko ang namamagitan sa isang iglap
At tila sumang-ayon ka na lang no'n tayo'y magkaharap
Ngunit sa pagtalikod bumagsak ang luhang 'di matanggap

Alam kong malaki na'ng isinugal mo pareho tayong dalawa
Pero humantong na ang lahat sa 'di ginustong pagsasawa
At kahit pinilit pang ilaban ay wala ring napala't nagawa
Kaya't minabuti na lang itigil kesa manatili pa dahil sa awa

Alam kong mahihirapan ka na muli pang makausad
Dahil nasanay ka ng ako ang kasabay sa bawat lakad
Patawarin mo 'ko pagka't aking ipinangako'y 'di natupad
Pinagsisisihan ko ring pinaasa ka sa'king mga isinaad

Alam ko mahal mo 'ko kaya't nagawa mo 'kong palayain
Pinili mong masaktan ka dahil sa pagmamahal mo sa'kin
Pinili mong maging masaya ako at sarili mo'y hindi isipin
Alam ko lahat ng sakripisyo mo dahil sa pag-ibig mo sa'kin

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon