Warranty

9 0 0
                                    

Paano pa ba maisosoli kung sira't mahirap ng ayosin 'to
Paano pa ba maibabalik pa ang nasayang oras na ginto
Kung hindi nga natin mapabagal paano pa mapapahinto
Bakit mistulang madali lang buksan para sayo ang pinto

Masakit para sa'kin 'to dahil gustong-gusto kita ingatan
Masakit para sa'kin 'to subalit hindi kita kayang iwanan
Matatag akong haligi aking tahanan sana'y iyong ilawan
Ngunit pa'no mo gagawin kung tukso'y 'di mo maiwasan

Pero wala akong magagawa ni hindi kita kayang pigilin
Kapag gusto mo,gusto mo tila ba sadya mong pipilitin
Kahit pa alam ng mali 'pag ginusto mo tiyak na pipiliin
Kahit pa baluktot upang maituwid ay gagawing pilipitin

Pero paano nga ba 'to nasira na wala pang isang linggo
'Di na magagawa pang maisoli o palitan pa nga ng bago
Pero paano nga ba 'to nadurog na wala pang isang linggo
At naganap na pagkasira't pagkadurog ay 'di na maitatago

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now