Kampante

27 0 0
                                    

Alam ko nasasaktan ka na ngunit patuloy sa pagkapit
Alam ko nasasaktan ka na pero 'di magawang magalit
Alam ko nasasaktan ka na na dapat 'di mo sinasapit
At wala akong ginagawa para 'di mo madama ang sakit

Batid ko mang nahihirapan ka na sa relasyong 'to
Batid ko mang pinipilit mong isalba ang meron tayo
Batid ko mang kinakaya mo lahat para sa'kin at sayo
Batid ko lang subalit ika'y mistulang pinababayaan ko

Kahit pa maaaring dumating ang sandaling ika'y magsawa
Kahit pa maaaring humantong sa oras na 'di mo na kaya
Kahit pa maaaring mapagod ka na at ika'y sumuko na
Nakasanayan na yata kita ng sobra kaya't binabalewala na

Saka mahal mo naman ako kahit ano pang mangyare
Saka mahal mo naman ako at lagi mo 'yang sinasabe
Saka mahal mo naman ako at sayo ako'y importante
Mahal din kita alam kong ako lang kaya ako kampante

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now