Bakit Ba Ngayon Pa

6 1 0
                                    

No'ng una pa lang agad na kitang hinangaan
Na aking binalewala at aking lang hinayaan
Sa pag-aakalang sa tagal ay mawawala 'yan
Ngunit 'di ko namalayan na lalong lumala 'yan

Lalo pa ngayon ika'y kapalitan na ng mensahe
Bagama't madalas nabablangko at walang masabi
Sa kadahilanang 'di ko inakalang ito'y mangyayari
Kung kaya't ang tuwang nadarama'y 'di ko mawari

Pero bakit ba ngayon pa na 'di na 'ko malaya
Bakit ba ngayon pa pagkakatao'y sadyang madaya
Bakit ba ngayon pa sa tadhana na lang ipapaubaya
Bakit ba ngayon pa nadama sa iba ang lumigaya

Ngayon pa na ako'y nakapaloob sa isang relasyon
At bakit sayo nadama ang ibang klaseng sensasyon
At bakit sa buhay mo pilit gumawa ng posisyon
At sa tanong na paulit-ulit ay 'di mahanap ang tugon

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon