Himig Ng Pag-Ibig Mo

5 1 0
                                    

Sa himig ng pag-ibig ikaw 'yong pinakamagandang musika
Sa pandinig ang tinig mo ay isang perpektong harmonika
Ang sarap na pakinggan at mistulang merong mahika
Na sa aking tumatangay at parang hindi ko maesplika

Walang katulad ang pakiramdam na sa'kin ay hatid
Ugnayan natin hiling ko sana ay hindi na mapatid
Sapagka't ang halaga mo'y higit sana ay 'yong mabatid
Ikaw 'yong hinahangaan ko higit sa kaibigan o kapatid

Pinadama mo sa'kin ang kakaibang karanasan ng pag-ibig
Na matatanaw mo sa bawat ngiti kong may halong kilig
Idikit man tainga sa'king dibdib pangalan mo ang pintig
At kung sukatin ang nadadama ay patuloy pa sa paglawig

Lumalawak sa bawat pagdaan ng araw,linggo at buwan
Ang sarap lang intindihin kahit hindi na maunawaan
Mistulang palaisipang dulot ay sayang nararamdaman
Ibang klaseng himig ng pag-ibig mong sarap pakinggan

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now