Nasirang Tulay

8 0 0
                                    

'Di ko inaasahan pero hinayaan ko lang ang mga naganap
Hinayaan kong mawala ka sa'kin at ako rin ang naghanap
Inakala kong 'di kita kailangan sa darating kong hinaharap
Ngunit mali ako sa pagka't pag-aalala mo'y aking hinagilap

'Yong paraan mo ng mangangamusta at simpleng paalala
'Yong lihim mong pagmamahal na para sa'ki'y balewala
'Yong paraan mo ng pag-unawa sa aking topak na malala
Hinanap-hanap ko lahat buhat ng ikaw ay sa akin nawala

Akala ko wala lang 'yon pangkaraniwan sa'king palagay
Akala ko wala ka lang siguro dahil agad sayong nasanay
At dahil sa inakala ko lang naputol ang sa'ti'y nag-uugnay
Tila ba dahan-dahang pagkasira't pagkaguho ng ating tulay

Naputol ang sa atin ay nag-iisang nag-uugnay na daanan
Nasirang tuloyan ang tulay subalit muntik kong malimutan
Tulay nga lang pala ang nasira at maaari pang magsagwan
Sa ilog ng agwat natin na nagpahiwalay sa'tin ng minsan

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now