Dahan-Dahang Pagtatapos

4 0 0
                                    

Bakit ba sa mahigpit na pagkakahawak ay nakuhang bumitaw
Nakuhang palayain sa pagkakakulong ang ako at ang ikaw
Nagkalaboan sa 'di tugmang ugnayan kaya't nawalang linaw
Humantong tayo sa sandali ng dahan-dahan na pag-ayaw

Mistulang hindi natin man lang naramdaman ang pagwawakas
Lumamig na para bang naiwanan na kapeng merong gatas
Hindi man lamang namalayan ang hiwalayang nababakas
Nagising na lang isang araw sa yakap mo ako na'y nakatakas

Ginusto ko nga ba 'to 'di ba't lahat ay nangyari ng 'di inaasahan
Malaya na nga ba ako na gawin ang mga nais kong maranasan
Pero bakit hinahanap pa rin kita matapos dahan-dahang iwanan
Ang pananabik sayo'y isantabi ko man ay hindi ko maiwasan

Bakit ba kasi hinayaan kita,inisantabi at labis na binalewala
Ang masasayang alaala sa'ting pagsisimula'y hinayaang mawala
Epekto nga marahil ito ng paghihinala at kawalan mo ng tiwala
Ngayon ako ang naiwan sa pang-iiwan man ay akong may sala

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now