Clossure

3 0 0
                                    

Sa huling pagkakataon sana magkausap tayo ng maayos
Hindi na upang isalba pa ang ating relasyong naghihikahos
Sa halip ay para magkaroon tayo ng malinaw na pagtatapos
At ang aking kalayaang nakasanla sayo'y tuloyang matubos

Maging ang lahat-lahat sa'tin sa gunita na lang natin isarado
At ng tuloyan na ring maitapon susi ng kahapong ikakandado
Salamat sa magandang alaala na maalala ko lagi panigurado
At salamat sa aral na "mali pala magmahal sa simula ng todo"

Sa huling pagkakataon sana magkausap tayo ng maayos
Upang ng sa gano'n makawala na tayo sa pagkakagapos
Marami na ring tinamo ang puso na mga sugat at galos
Kaya't kung ipagpapatuloy pa masasaktan lang ng lubos

Mahirap subalit ito na ang nararapat para sayo at sa akin
Isang maayos na pagtatapos na 'di na mapipigilan pa natin
Mahal kita,mahal mo ako alam kong napakahirap unawain
Ngunit para 'di na masaktan pa isa't isa'y dapat ng palayain

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now