Para Sayo

5 0 0
                                    

Para sa babaeng katulad mong masasabing walang katulad
Salamat at sakin binigay pag-ibig mong maraming humahangad
Para sa babaeng katulad mong masasabing walang katulad
Alam kong minsan 'di tayo magkaunawaan kung kaya't patawad

Para sa babaeng kagaya mong sa mundo ay walang kagaya
Tanggap ko ng sayo ako makukulong at ayoko ng lumaya
Para sa babaeng kagaya mong sa mundo ay walang kagaya
Sana tulad ko ikaw ay lumaban at lahat ng pagsubok makaya

Para sa babaeng lubhang kakaiba ang kaibahan sa iba
Batid kong wala ng ibang ikaw dahil ika'y natatangi't nag-iisa
Para sa babaeng lubhang kakaiba ang kaibahan sa iba
Sayo na nais magtapos ang buhay ko 'di man sayo nag-umpisa

Para sa babaeng minamahal ko at lubos akong minamahal
Para sayo susundin ko ang lahat ano man ang ipagbawal
Para sa babaeng minamahal ko at lubos akong minamahal
Para sayo maghihintay ako kahit gaano pa 'yan katagal

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon