Manatili Sana

5 1 0
                                    

Patawarin mo sana ako kung ika'y aking nasasaktan
Alam ko 'yan bagama't sa pagngiti mo'y 'di mapagtakpan
At kita ko sayong mata tuwing larawan mo'y mamasdan
Sana'y sa pagpapahalaga ko sayo sakit ay mapagtakpan

Mahalaga ka sa akin 'di dahil sa kung ano mang rason
Mahalaga ka dahil ikaw ang aking inspirasyon
Sa bawat likha ko na tula na nilaanan ng panahon
Sa ginuhit na larawan na nagmarka na sa imahinasyon

Halos kabisado ko na nga anggulo ng mukha mo
'Yong paraan ng bawat pagtingin ng mata mo
'Yong pagnguso at pagngiti sa'kin ng labi mo
Na mistulang masarap hagkan kung maaari 'to

At manatili sana kung ano ang meron talaga tayo
Manatili sana 'yon kahit tayong dalawa'y magkalayo
Manatili sana kahit agwat natin ay magkabilang ibayo
Manatili ka rin sana sapagkat masaya ako sayo

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now